Surveillance at monitoring activities sa commercial establishments, pinaigting pa

Pinaigting pa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang surveillance at monitoring activities para masiguro ang pagtalima ng commercial establishments at supermarkets sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, mayroon silang sistema ng pagbabantay sa presyo ng basic necessities at prime commodities na alinsunod sa probisyon ng Price Act.

Nagsasagawa aniya ang Fair Trade Enforcement Bureau ng lingguhang monitoring para suriin ang presyo at suplay ng mga produkto.


Iginiit ni Pascual na ito ang nagsisilbing basehan para sa paglalabas ng suggested retail price o SRP.

Pagtitiyak ng kalihim, patuloy na itataguyod ng ahensya ang proteksyon ng consumers.

Sa pamamagitan ng provincial at regional offices, magsasagawa umano ang DTI ng regular na price at supply monitoring at makikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno para magkaroon ng access ang mga Pilipino sa abot-kayang produkto at serbisyo.

Facebook Comments