Surveillance ng COVID-19 cases, gagawing digitize ayon sa DOH

Nakikipagtulungan na ang Pilipinas sa World Health Organization para gawing digitize ang surveillance ng mga kaso ng COVID-19.

Layunin nitong maiwasan ang hindi pagkakatugma-tugma ng mga datos.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, gagamit ng COVID KAYA application para mabawasan ang manu-manong pag-e-encode ng datos ng mga pasyente.


Paglilinaw ni Vergeire, nasa isang porsyento lamang ang apektado ng error sa kabuoang datos.

Pagtitiyak ng DOH na patuloy na nananaig ang transparency at bukas sila sa anumang feedback mula sa expert community.

Kaugnay nito, sinabi ni Stephanie Sy, pinuno ng Thinking Machines Data Science na nakikipagtulungan sa DOH, ang COVID KAYA ay makakatulong sa mga frontliner na mabilis na ma-encode ang mga datos sa digital system kaysa sa i-fill out ang case investigation forms.

Giit pa ni Sy, ang mga inconsistensies at errors na napuna ng University of the Philippines (UP) Resilience Institute ay dulot ng iba’t ibang isyu tulad ng encoding, process, at maling pag-fill out ng form.

Handa rin nilang isapubliko ang lahat ng corrections sa mga datos.

Facebook Comments