Surveillance program para sa mga fully vaccinated Filipino adults, balak isagawa – DOST

Magsasagawa ng isang taong surveillance program sa mga fully vaccinated Filipino adults para malaman kung hanggang kailan tatagal ang bisa ng COVID-19 vaccines na nabigyan ng emergency use authorization (EUA) sa bansa.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, ang proyekto ay may inaprubahang budget na nasa ₱114.9 million.

Ang University of the Philippines (UP) – Manila sa ilalim ng pangangasiwa ni Dr. Regina Barba ang magsasagawa ng programa.


Ang Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases (PSMID), local government units (LGUs) at Department of Health (DOH) ay magiging bahagi ng 12-month surveillance program.

Facebook Comments