Surveillance sa mga paliparan laban sa sabwatan ng mga tiwaling airport police at mga abusadong taxi, dapat palakasin

Nananawagan si Cavite First District Representative Jolo Revilla sa mga awtoridad na palawakin ang surveillance operations sa mga paliparan para masawata ang nabuking na umano’y sabwatan ng mga aiport police at abusadong mga taxi na sumisingil ng labis sa mga pasahero.

Suhaesyon ni Revilla, magpakalat ng mga undercover enforcement teams, at palakasin ang pagbibigay ng proteksyon sa mga pasahero sa mga paliparan tulad sa Ninoy Aquino International Airport gayundin sa mga malalaking pantalan.

Mungkahi pa ni Revilla, mainam din kung magtutulungan ang mga private stakeholders at technology providers para maikasa ang real-time fare monitoring, digital receipts, at mapadali ang pagtanggap ng mga reklamo ng mga pasahero.

Hinggil dito ay pinuri naman ni Revilla ang mabilis na aksyon ni Transportation Secretary Vince Dizon na agad ni-relieve ang mga sangkot na airport police sa overcharging ng airport taxi.

Diin ni Revilla, ang mga paliparan ang nagsisilbing mukha ng bansa kaya tiyak na tatatak sa mga turista at mga Overseas Filipino Workers kung ang bubungad sa kanila ay panloloko o scam, extortion at iba pang hindi magandang karanasan.

Facebook Comments