Magpapadala ang National Action Plan Against COVID-19 ng karagdagang medical equipment sa Cebu City.
Ito ay matapos muling isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay National Action Plan Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., may naghihintay na walong pasyente sa emergency room ng ospital sa Cebu City na malagyan ng tubo o ventilators.
Dahil dito, sinabi ni Galvez na kailangan masuportahan ng mga dagdag na ventilators, high flow nasal cannula at Personal Protective Equipments (PPEs) ang siyudad para sa pagtugon nila sa severe cases ng COVID-19.
Samantala, isasailalim ngayon sa close observation ang Cebu City at magpapadala din sila doon bukas ng surveillance team para bantayan ang kaso ng COVID-19 sa naturang siyudad.