Surveillance testing, kailangan para mapanatili ang mga trabaho sa harap ng tumataas na COVID-19 cases

Iginiit ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang kahalagahan ng surveillance testing upang mapanatili ang trabaho habang patuloy ang paglobo ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Villanueva, mas mabilis malalaman kung saan nanggagaling ang hawaan at mapipigilan itong iuwi ng mga manggagawa sa kani-kanilang mga tahanan kung regular na ginagawa ang random testing sa mga lugar paggawa.

Diin ni Villanueva, isang mahalagang elemento ang random testing sa mga lugar-paggawa para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa iba’t ibang mga lugar.


Dagdag pa ni Villanueva, matutulungan ang surveillance monitoring ng gobyerno kung tuloy-tuloy ang regular, random testing.

Matagal nang isinusulong ni Villanueva ang regular, random testing sa mga lugar-paggawa dahil ang mga resulta nito ay makakatulong sa pagbalangkas ng polisiya ng Inter-Agency Task Force.

Facebook Comments