Manila, Philippines – Mayorya ng mga Pilipino ang hindi pabor sa death penalty bilang parusa sa sinumang masasangkot sa anim mula sa pitong krimeng may kaugnayan sa iligal na droga.
Base ito sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong March 22 hanggang 27, 2018 na nilahukan ng 2,000 respondents na may edad 15 pataas.
Sa survey – lumabas na 33 percent lang ng mga Pinoy ang pabor sa parusang bitay para sa anim na drug-related crimes kabilang ang importasyon ng iligal na droga, paggawa at pagbebenta ng shabu, pagpatay sa ilalim ng impluwesya ng droga at pag-ooperate ng drug den.
Lumabas din na 51-55 percent ng mga Pinoy ang mas gusto ang life imprisonment bilang parusa habang 15-24 percent ang pagkakakulong ng 20 hanggang 40 taon.
Pero 47 percent ng mga respondents ang naniniwalang dapat lang i-apply ang death penalty sa sinumang masasangkot sa rape na nasa impluwesya ng droga.