SURVEY | 5 sa bawat 10 Pinoy, pabor sa mandatory drug testing mula grade 4 pataas – SWS

Sang-ayon ang 51-porsyento ng mga Pilipino sa panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsagawa ng mandatory drug testing simula grade 4 pataas.

Base sa third quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), 31% ang hindi pabor habang 13 ang undecided.

Pinakamataas ang net agreement sa Visayas (+47) o very strong, kasunod ng Mindanao (+25) at Metro Manila (+17) na o moderately strong at balance Luzon (-6) o neutral.


Isinagawa ang survey mula September 15 hanggang 23 sa 1,500 adult respondents.

Facebook Comments