Manila, Philippines – Halos pito sa bawat 10 Pilipino ikinukunsiderang biggest accomplishment ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Base sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, mula sa listahan ng 15 achievements, 69% ng mga Pilipino ang nagsabing pinakamahalagang accomplishment ng Pangulo at ng kanyang administrasyon ang pagpuksa sa problema ng ilegal na droga.
Nasa 50% naman ng mga Pilipino na ikinukunsiderang tagumpay ng Duterte Administration ang anti-crime efforts nito
Kabilang sa ikinukunsiderang achievements ni Pangulong Duterte ay salary increase ng mga pulis at sundalo (30%), paglaban sa korapsyon sa gobyerno (28%), pagpapatupad ng libreng tuition sa mga estudyateng naka-enroll sa State Universities and Colleges (21%).
Paglikha ng gobyerno ng trabaho (15%), maibalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno at mga opisyal (11%), pagbuti ng estado ng pambansang ekonomiya (11%) at pagpapalawig ng validity ng drivers licenses (10%).
Isinagawa ang survey mula June 15 hanggang 21 sa 1,800 registered voters sa buong bansa.