SURVEY | 7 sa bawat 10 Pilipino, naniniwalang dapat ipaglaban ni P-Duterte ang West Philippine Sea

44

Manila, Philippines – Nasa 73 percent ng mga Pinoy ang naniniwalang dapat ipaglaban ni Pangulong Rodrigo Duterte at administrasyon nito ang soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Batay sa Pulse Asia survey mula June 15 hanggang June 25 sa May 1,800 respondents, 46 percent ang pabor at 27 percent ang medyo pabor na dapat ipaglaban ng Administrasyong Duterte ang ruling ng permanent Court of Arbitration sa nine-dash line claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Nasa 17 percent naman ang nasa gitna habang 4 percent ang medyo tutol at 3 percent ang tutol sa pagpapatupad ng desisyon.

Aminado naman ang 2 percent na wala silang sapat na kaalaman sa isyu habang 0.4 percent ang talagang walang ideya sa desisyon.

Samantala, umaabot sa 36 percent ng mga Pinoy ang nagsabing dapat maghain ng diplomatic protest ang bansa dahil sa patuloy na militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Mayroon namang 22 percent ang nagsabing dapat palakasin ng Pilipinas ang alyansa sa Amerika, Japan, Australia at sa ibang bansa.

Habang 16 percent ang nais na palakasin ng bansa ang kapabilidad ng militar sa pagtatanggol sa mga teritoryo ng bansa.

Lumabas rin na 21 percent ang pabor na ipagpatuloy ng pamahalaan ang pakikipagkaibigan sa China.

Facebook Comments