SURVEY | 8 sa bawat 10 Pinoy, may positibong pananaw sa U.S – Pew Research Center

Manila, Philippines – Halos mayorya ng mga Pilipino ay may positibong pananaw sa Estados Unidos.

Base sa survey ng Pew Research Center, walo sa bawat 10 Pilipino o katumbas ng 83% ang ibinigay na positive rating sa U.S.

Mataas ito kumpara sa 78% noong 2017.


Lumabas din sa survey na 78% ng mga Pinoy ay nagpahayag ng kumpiyansa kay U.S. President Donald Trump habang 18% naman ang walang kumpiyansa.

77% naman ng mga Pilipino ang naniniwalang mas mainam sa buong mundo kung ang U.S. ang nangunguna bilang leading power habang 12% naman ang pinili ang China.

Isinagawa ang survey mula Mayo hanggang Agosto sa 900 tao sa bawat 25 bansa.

Facebook Comments