SURVEY | Bilang ng mga Pilipinong nagsabing gumanda ang kanilang buhay at uunlad ang ekonomiya ng bansa, bumaba

Manila, Philippines – Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong naniniwalang gaganda pa ang kanilang buhay at uunlad ang ekonomiya ng bansa.

Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), bumulusok sa +27 ang net optimism nitong Setyembre mula +44 noong Hunyo.

Ito na ang pinakamababa mula noong Agosto 2012.


Nasa +11 ang net economic optimism nitong Setyembre, mas mababa kumpara sa +30 noong Hunyo.

Sa una ring pagkakataon, nag-negatibo ang net gainers sa -2 ibig sabihin, mas marami ang nagsabing mas mahirap ang kanilang buhay.

Facebook Comments