SURVEY | Bilang ng mga Pilipinong nakakaranas ng gutom, bahagyang nabawasan – SWS

Manila, Philippines – Bahagyang nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong nakakaranas ng gutom.

Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 9.4% o katumbas ng 2.2 million na pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger.

Mababa ito kumpara sa 2.3 million na pamilya noong first quarter survey nitong Marso.


Mula sa kabuoang porsyento, 8.1% o 1.9 million na pamilya ang nagsabing nakakaranas sila ng moderate hunger habang 1.3% o 294,000 pamilya ang nakakaranas ng severe hunger sa nakalipas na tatlong buwan.

‘Moderate hunger’ ay ang mga nakakaranas ng gutom ng isang beses o ilang beses lang habang ‘severe hunger’ naman ay ang mga madalas o palaging nakakaranas ng gutom.

Isinagawa ang survey mula June 27 hanggang 30 sa 1,200 respondents.

Facebook Comments