Manila, Philippines – Dumarami na ang mga Pilipinong nagsasagawa ng cashless sa kanilang payment transactions.
Base sa resulta ng bagong pag-aaral na inilabas ng visa consumer payment attitudes, halos pito sa bawat 10 Pilipino ang tiwalang mag-‘cashless’ at kayang gumamit ng electronic o e-payments hanggang tatlong araw.
Lumabas din sa survey na 70% ng mga respondents ang nagsagawa ng cashless transactions sa loob ng halos ilang araw.
Kabilang sa mga dahilan ng mga PILipino ay convenience (58%) at safety (47%).
Ayon kay Visa Country Manager for the Philippines and Guam Stuart Tomlinson, binago ng teknolohiya ang pamamaraan ng consumers sa pagbenta at pamimili.
Nakikita sa mga Pinoy ang benepisyo ng e-payments sa kanilang buhay tungo sa digital lifestyle.