Manila, Philippines – Bumaba bahagya ang bilang ng mga Pinoy na nagsabing sila ay kuntento sa takbo ng demokrasya sa Pilipinas.
Sa ginawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong March 23 hanggang 27, 2018, tinanong sa mga respondent kung sila ba ay lubos na nasisiyahan, medyo nasisiyahan, hindi nasisiyahan o lubos na hindi nasisiyahan sa takbo ng demokrasya sa Pilipinas.
Dito lumitaw na 78% ng mga Pinoy ang nagsabing sila ay kuntento sa pamamaraan ng pagpapatakbo ng demokrasya sa bansa.
Bumaba ito ng dalawang puntos kumpara sa 80% na naitala noong June 2017.
Ang pagiging kuntento ng mga Pinoy sa demokrasya ng bansa ay pinakamataas noong June 2010 kung saan nakapagtala ng record-high na 86 percent.
Ang March 2018 survey ng Social Weather Station (SWS) ay mayroong 1,200 adult respondents sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.