Manila, Philippines – Bahagyang tumaas pa ang bilang ng Pilipinong naniniwalang aangat pa ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na taon.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 43% ng mga Pilipino ang nagsabing gaganda pa ang ekonomiya ng bansa.
Isang puntos na mataas sa 42% na naitala noong Marso.
Nadagdagan din ang mga Pinoy na nagsasabing hihina ang ekonomiya sa 13% mula sa 12% noong Marso.
Katumbas nito ang +30 net optimism score on economy.
Ibig sabihin, nananatiling ‘excellent’ ang rating.
Isinagawa ang survey mula June 27 hanggang 30 sa 1,200 respondents.
Facebook Comments