Manila, Philippines – ‘I am overwhelmed, I am at loss for words’
Ito ang tugon ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio matapos siyang makapasok sa top 12 ng mga posibleng manalo sa pagkasenador sa 2019 midterm elections.
Base sa Pulse Asia Survey na isinagawa mula June 15 hanggang 21, 2018 sa 1,800 registered voters, nakakuha ng suporta ang alkalde ng 46.2%, ranking mula ikatlo hanggang ikalimang pwesto.
Para naman kay Senador Tito Sotto na hindi nakapasok sa listahan, magbabago pa naman ito dahil malayo pa ang election.
Tingin naman ni Senador Francis Pangilinan, hindi nababahala ang oposisyon sa mababang ranking nila.
Facebook Comments