Manila, Philippines – Isa sa bawat apat na Pilipino o 25 percent lang ang may alam sa pederalismo.
Ito ay batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong March 23 hanggang March 27, 2018 sa 1,200 respondent.
Lumabas rin sa survey na nasa 75 porsyento ang nagsabing nagkaroon lamang ng kaalaman sa pederalismo nang isagawa ang survey.
Pinakamataas ang may kaalaman sa pederalismo sa Mindanao sa 37 percent na sinundan ng Metro Manila sa 28 percent, Visayas sa 22 percent at Luzon sa 20%.
Samantala, 37 percent naman ng mga Pilipino ang sumang-ayon sa pederalismo habang 29 percent ang hindi sang-ayon at 34 percent ang ‘undecided’ sa isyu.
Facebook Comments