SURVEY | Kumpiyansa ng mga Pinoy na magkakaroon sila ng trabaho, bumaba – SWS

Bumama ang net optimism ng mga Filipino na magkakaroon ng mapapasukang trabaho sa loob ng 12 buwan.

Sa survey ng Social Weather Station o SWS, 39 percent ng mga Pinoy ang naniniwalang dadami ang trabahong mapapasukan na mas mababa sa 47 percent noong Hunyo.

Nasa 16 percent naman ang nagsabing mababawasan ang trabahong pamamasukan habang 27 percent ang nagsabing hindi magbabago ang trabahong maaaring mapapasukan at 17 percent ang undecided.


Katumbas ito ng net optimism score na positive 24 o high na mas mababa sa positive 32 o very high noong Hunyo.

Ginawa ang survey nitong Setyembre 15 hanggang 23, 2018 sa may 1,500 adult respondent.

Facebook Comments