SURVEY | Malacañang, nanindigang hindi ipinag-utos ni PRRD ang paghuli sa mga tambay

Manila, Philippines – Nanindigan ang Malacañang na hindi ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa mga tambay.

Ito ay matapos lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na tatlo sa bawat limang Pilipino ang nagsabing paglabag ito sa karapatang pantao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang loitering ay hindi itinuturing na krimen.


Aniya, nag-isyu ang mga awtoridad ng guidelines na hindi sila dadalhin sa police station kapag wala silang ginawang violation.

Facebook Comments