SURVEY | Mataas na satisfaction rating ng gabinete hindi lisensiya para mag-relax ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hindi magpapakakampante ang buong gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos makakuha ng mataas na net satisfaction ratings base sa survey na isinagawa ng Social Weather station o SWS.

Base sa survey, nakakuha ang Gabinete ng +32% ratings sa September 2008 survey ng nasabing Survey firm.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, hindi dapat gawing batayan ng gabinete ang resulta ng survey para magpakakampante kundi dapat ay gawin itong batayan para lalong magtrabaho at magbigay ng mas magandang serbisyo sa mamamayan.


Sinabi din ni Panelo na natuwa si Pangulong Rodrigo Duterte sa resulta ng survey pero dapat aniya itong maging hamon sa gabinete upang mapanatiling mataas ang tiwala sa kanila ng taumbayan at kuntento sa kanilang gawain.

Nabatid na isinagawa ang survey sa kainitan ng naitalang 6.7% inflation rate kung saan sinabi ni Panelo na ito ay isang senyales na kinikilala ng mayorya mamamayan ang pagsisikap ng gobyerno para mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Facebook Comments