Manila, Philippines – Walang tiwala ang karamihan sa mga Pilipino sa mga politiko kung ang pag-uusapan ay karapatang pantao o human rights.
Ito ang lumabas sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS) matapos tanungin ang nasa 2000 katao na may edad 15 taon pataas.
Sila ang nagrerepresinta mula sa Metro Manila, Northern Luzon, Central Luzon, Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon sa SWS, +8 lamang ang nagsabi na may pagpapahalaga ang mga politiko sa karapatang tao.
Pinagkakatiwalaan naman ang mga guro na may trust rating na +87.
Sinundan ng church or religious leaders na +75,
+73 ang mga sundalo
+70 ang mga doktor
Habang pang limang pwesto ang human rights advocates na net trust rating +56,
+44 – Barangay Leaders
+39 – Judges
+38 – Police
+38 – Private Lawyers
+34 – Prosecutors
+14 – Businessmen
Kung maalala, mainit ang usapin sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ang nasabing survey ay may ±2.2% error margins at ±5% nationwide.