Survey na nagsasabing 75% na mga Pilipino tanggap ang blended learning, kinikilala ng DepEd

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na kinikilala nila ang naging resulta ng PAHAYAG End-of-the-Year survey na nagsasabing 75% na mga Pilipino ay naging maganda ang pagtanggap sa konsepto ng blended learning sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, lubos silang nagpapasalamat sa publiko sa patuloy nilang pakikipagtulungan at suporta sa pagpapatupad ng Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP) para sa School Year 2020-2021.

Aniya, patuloy na kikilos ang DepEd kasama ang kanilang mga katuwang at stakeholders upang bumuo ng solusyon sa mga hamon na hatid ng distance learning modalities.


Ipinakita rin ng nasabing pag-aaral na halos 60% ng mga sumagot ay nagsasabing mas pipiliin nilang mag-aral sa loob ng silid-aralan.

Ito ay batid din ng kagawaran, kaya naman kanilang isinusulong ang limited face-to-face classes sa susunod na taon na may kaakibat na kondisyon at panuntunang pangkalusugan.

Batay sa survey, 25% din sa mga mag-aaral ang may negative response sa distance learning bunsod sa maginang koneksyon sa internet at kulang ang interaksyon sa guro.

Ang nasabing survey ay ginawa nitong Disyembre 3-9, 2020 ng PUBLiCUS Asia Inc., isang independent at non-commissioned poll.

Facebook Comments