Survey na pasok ang Pilipinas sa “Best Place to Work and Live”, patunay na may epekto ang peace and order campaign ng gobyerno – PNP

Ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) ang pagpasok ng Pilipinas sa listahan ng Best Places in the World para mamuhay at magtrabaho.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, ipinapakita lang sa survey ang epekto ng peace and order campaign ng gobyerno na nagresulta sa mas ligtas na komunidad.

Hindi lang aniya mga Pilipino ang nakakaramdam nang pagbabago, dahil maging ang mga banyaga mismo ay sa Pilipinas na pinipiling magnegosyo.


Sinabi din ni Albayalde ang datos ng Department of Tourism (DOT) na nagsasabing mula Enero hanggang Mayo ng taon na ito ay umabot na sa mahigit 3 milyon ang turistang bumisita sa Pilipinas, mas mataas ito ng 9.76 percent kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Base sa Forbes article, binanggit ang 2019 HSBC Expat’s Annual Survey, kung saan ang Pilipinas ay ika-24 sa pwesto ng Best Place to Live and Work.

Facebook Comments