SURVEY | Net satisfaction rating ng Duterte Administration, nananatiling ‘very good’

Manila, Philippines – Nananatiling “very good” ang net satisfaction rating ng Administrasyong Duterte nitong ikalawang quarter ng taon.

Batay sa survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa noong Hunyo 27 hanggang 30, 72 percent ng mga Filipino ang nagsabing kontento sila sa general performance ng pamahalaan.

Nasa 13 percent naman ang nagsabing hindi sila kontento habang 15 percent ang undecided.


Ang nasabing survey ay katumbas ng plus 58 (+58) net satisfaction rating.

Excellent ang nakuhang net satisfaction ng administrasyon sa Mindanao, very good sa Visayas, balance sa Luzon at good sa Metro Manila.

Noong Marso nasa plus 58 rin ang net satisfaction rating ng administrasyon.

Facebook Comments