Survey ng isang international e-commerce website kung saan pang-95 ang Pilipinas sa 110 mga bansa na may pinakamababang pasweldo sa mga manggagawa, kinuwestyon ng ECOP

Kinuwestiyon ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang survey ng international e-commerce website na Picodi.com kung saan lumalabas na pang-95 ang Pilipinas sa 110 mga bansa na may pinakamababang pasweldo sa mga manggagawa.

Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz, duda siya sa layunin ng survey at ipinagtataka niya kung bakit inilabas ito sa panahon ng pandemya.

Binigyang-diin din ni Ortiz ang survey na inilabas ng Department of Labor and Employment noong July 31, 2020 kung saan pumapangalawa pa nga aniya ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na may pinakamataas na minimum wage.


Bagama’t maliit lang ang lamang ng Thailand sa Pilipinas, malaking factor aniya ang mababang cost of living sa nasabing bansa.

Dagdag pa ni Ortiz, dapat ding maunawan ng publiko na magkaiba ng minimum wage at living wage.

Iniisip natin ang minimum wage e will feed a family of five. That is not the way a minimum wage is supposed to be defined. Ang talagang definition niyan, ‘yan ‘yung unang entry point ng mga bago to protect them,” ani Ortiz sa interview ng RMN Manila.

Samantala, maging si National Wages and Productivity Commission (NWPC) Executive Director Maria Criselda Sy, duda sa kung paanong kinolekta ng grupo ang mga datos sa survey.

Ayon pa sa ospiyal, hindi dapat ikinukumpara ang Pilipinas sa ibang bansa dahil magkakaiba ang kanilang mga economic status.

Facebook Comments