SURVEY | Pagbaba ng approval rating ng Pangulo, hindi dapat ikagulat

Manila, Philippines – Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, inaasahan at karaniwan ng pababa ang direksyon ng approval rating ng Pangulo.

Kaya hindi na aniya dapat ikagulat kung bumaba ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Kaugnay nito ay pinayuhan ni Recto ang Pangulo na gamitin ng mahusay ang kanyang political capital sa pamamagitan ng pagreporma sa mga institusyon at pagresolba sa hindi pagkakapantay pantay sa ating lipunan.


Para kay Recto ang pagkikipag-away sa simbahan at pagtawag sa  Diyos na istupido ay hindi nakakatulong sa maayos na paggamit ng Pangulo sa kanyang political capital.

Pinuna din ni Recto ang isinusulong na pederalismo ng administrasyon na maaring maging daan ng pagkakawatak watak at pagsira sa magandang nakamit ng ekonomiya.

Paalala ni Recto, ang pangunahing tungkulin ng Pangulo ng bansa ay pag-isahin ang mamamayan.

Facebook Comments