Manila, Philippines – Siyam sa bawat 10 pilipino ang suportado sa paggamit ng renewable energy sa bansa.
Batay sa survey ng Pulse Asia, 89% ng respondents ang pabor na dagdagan ang paggamit ng renewable energy tulad ng solar.
Siyam na porsyento ang tutol habang ang natitira ay tumangging sumagot dahil kulang ang kanilang kaalaman hinggil dito.
Ang suporta sa paggamit ng renewable energy ay mataas sa Metro Manila (97%), kasunod ang Mindanao (90%) at natitirang bahagi ng Luzon (87%), at Visayas (85%).
Isinagawa ang survey mula June 15 hanggang 21 sa 1,800 respondents.
Facebook Comments