SURVEY | Pilipinas, umangat sa ika-11 ranggo ssa world bank logistic performance index

Umangat sa labing isa ang ranggo ng Pilipinas sa World Bank Logistic Performance Index (LPI).

Ito ay bunsod ng pagtaas ng performance ng Pilipinas sa apat mula sa anim na indicators gaya ng internal shipment, tracking and tracing, infrastructure at logistics competence.

Mula sa pang-71 pwesto noong 2016 nasa pang 60 na ang Pilipinas sa 160 na mga bansa.


Maliban rito, tumaas rin ang LPI score ng Pilipinas sa 2.9 ngayong taon kumpara sa 2.86 noong 2016.

Ginawa ang survey sa mga logistics professional ng mga multinational freight forwarders at express carriers mula September 2017 hanggang February 2018.

Sa survey nanguna ang Germany na sinundan ng Sweden at Belgium habang nasa huling pwesto naman ang Afghanistan na nasa 160.

Facebook Comments