Manila, Philippines – Bumaba ng 6.1 percent ang bilang ng mga pamilyang nabiktima ng mga common crimes sa bansa.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), mula Disyembre 8 hanggang 16, nasa 7.6 percent o 1.7 milyong pamilya ang nabiktima ng physical violence, pandurukot, pagnanakaw, at carnapping sa huling anim na buwan.
Bagaman mas mataas ito ng 1.5 percentage points noong Setyembre 2017 survey, nananatili pa ring nasa “record low” ang kabuuang average rate nito.
Sa kabila nito, tumaas ang bilang ng mga gumagamit ng iligal na droga sa maraming lugar sa bansa sa huling quarter ng 2017.
Sa Luzon, pumalo sa 45 percent ang mga drug addict mula sa 11 percent.
Naitala naman sa Visayas ang 43 percent na mga adik na mas mataas ng 3 percent.
Habang sa Mindanao ay mayroon 30 percent kumpara sa 27 percent.
SURVEY | ‘Record-low’ na bilang ng mga nabibiktima ng ‘common crimes’ sa bansa, naitala; Pero bilang ng mga adik sa droga, tumaas
Facebook Comments