Survey result na nagsasabing 73% ng Pinoy ang naniniwalang may EJK sa war on illegal drugs, isinisi ng Malacañang sa media

Manila, Philippines – Isinisi ng Palasyo ng Malacañang sa Media kung bakit lumabas na 73% ng ating mga kababayan ang naniniwala na nangyayari ang Extra Judicial Killings o EJK sa implementasyon ng kampanya ng gobyerno war against illegal drugs.

Base kasi sa survey ng pulse asia ay 7 sa bawat 10 pilipino ang naniniwala na mayroong EJK sa bansa at ito ay dahil sa pagpupursige ng gobyerno para labanan ang iligal na droga sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Erneto Abella, ganito ang lumabas sa survey dahil sa pagtutok ng media sa mga nangyaring patayan sa Caloocan kasabay naman ng panahon kung kalian ginawa ang survey.


Sinabi ni Abella ang mga ganitong issue ay dapat bineberipika at iniimbestigahan ng Philippine National Police at ng National Bureau of Investigation.

Facebook Comments