SURVEY | Sen. Grace Poe, nanguna sa top 12 possible senatorial bets

Manila, Philippines – Nanguna si Senadora Grace Poe sa mga posibleng manalo para sa 2019 senatorial election.

Ito ay batay sa survey na isinagawa ng Pulse Asia nitong June 15 hanggang 21 sa may 1,800 registered voters.

Sa survey, nakakuha ni Poe ang 67.4 percent.


Pasok rin sa mga posibleng manalo sina dating Senador at ngayon ay Taguig Representative Pia Cayetano, Senadora Cynthia Villar, Davao City Mayor Sara Duterte Carpio at Sonny Angara.

Nasa listahan rin sina dating Senador Jinggoy Estrada, dating PNP Chief at ngayon ay BuCor Director Ronald Dela Rosa, Senador Koko Pimentel, Senadora Nancy Binay, dating Senador Sergio Osmeña, dating Senador Lito Lapid, Senador JV Ejercito at Senador Bam Aquino.

Facebook Comments