SURVEY | Social media, mas pinili ng mga U.S. adults bilang source ng balita

Naungusan na ng social media ang print newspapers bilang source ng balita ng mga Amerikano.

Base sa inilabas na pag-aaral ng Pew Research Center, 20% ng U.S. Adults ay madalas na nagbabasa o kumukuha ng balita sa pamamagitan ng social media, kumara sa 16% o diyaryo.

Sa kabila ng pag-angat ng social media, ang telebisyon pa rin ang nananatiling pinaka-importanteng pinagkukunan ng balita ng mga Amerikano na nasa 49%.


Lumalabas na ang younger adults o may edad 18 hanggang 29 ay mas naka-depende sa social media habang ang mga older consumers o may edad 65 pataas ay mas pabor sa TV at print.

Matatandaan nitong 2016, ang diyaryo ay pinakamahalagang pinagkukuhaan ng balita kaysa sa social networks habang halos tumabla ito nitog 2017.

Ang survey ay isinagawa sa 4.581 U.S. Adults mula Hulyo at Agosto.

Facebook Comments