SURVEY | Tiwala ng mga Pilipino sa China, lalo pang bumagsak – SWS

Manila, Philippines – Lalo pang nawalan ng tiwala ang mga Pilipino sa China.

Ito ay matapos bumagsak ang net trust ng mga Pilipino sa China base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Mula sa +7 nitong March 2018 ay bumulusok ng -35 ang trust rating o nasa 42 points ang ibinagsak.


Lumabas sa survey na 53% ng mga Pilipino ang maliit lang ang tiwala sa China, 18% ang malaki ang tiwala habang 27% ang undecided.

Ito na ang pinakamababang rating mula sa -37 o ‘bad’ rating noong April 2016.

Isinagawa ang survey mula June 27 hanggang 30 sa 1,200 respondents.

Facebook Comments