Manila, Philippines – Bahagyang bumaba ang net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Batay sa survey ng SWS na isinagawa noong June 27 hanggang 30, lumabas na 54 percent ng respondents ang nagsabing kuntento sila sa pagtatrabaho ni Robredo habang ang 22 percent ang hindi kuntento.
Katumbas ito ng positive 32 net satisfaction rating sa pangalawang pangulo na mas mababa sa positive 34 na nakuha niya noong Mayo.
Sa kabila nito, nananatiling “good” ang net satisfaction ni Robredo.
Samantala, nakakuha naman ng “very good” net satisfaction rating sa positive 54 si Senate President Vicente Sotto III sa kanyang unang termino.
Mayroon namang “neutral” na positive 8 net satisfaction rating si dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Habang positive 11 na “moderate” net satisfaction rating naman ang nakuha ni acting Chief Justice Antonio Carpio.