Inilunsad na ngayong umaga ng Department of Agriculture (DA) sa Nueva Ecija ang SURE Aid o Survival and Recovery Assistance Program para sa mga Rice Farmers.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sa pamamagitan ng SURE Aid, lahat ng farmers na naapeķtuhan ng rice tariffication ay makaka-avail ng P15,000 na soft loan na may zero-interest at babayaran sa loob ng 8 taon.
Una nang ipinatupad ng DA ang Accelerated Roll Over System, mga hakbang para matugunan ang pagbaba ng presyo ng palay at bigas.
Sa ilalim umano ng sistema, magpapatuloy ang National Food Authority (NFA) sa pagbili, paggiling at pagbenta ng bigas habang tinitiyak na mayroong 30-day buffer stock.
Kinilala rin ni Secretary Dar ang Nueva Ecija Provincial Local Government Unit na nagbigay ng agarang tulong sa mga affected farmers at hinikayat ang Local Government Unit (LGU) na palakasin pa ang pakipagtulungan nito sa DA.