Toronto – Nag-ala Noah’s Ark ang ginawang survival house ng 83-year-old na Canadian sa Toronto.
Mula sa apatnapu’t dalawang (42) lumang school buses, gumawa ng underground house si Bruce Beach sa lalim na 14 feet at tinawag na ‘The Ark Two’.
Ayon kay Bruce, pwede itong matirhan at mataguan ng nasa 500 tao sa oras ng pagkagunaw ng mundo o yung tinatawag nilang ‘dooms day’.
Tiyak ding mabubuhay ang mga tao dito kahit ilang buwan pa ang lumipas dahil kumpleto ang ‘Ark 2’ ng mga supply ng pagkain, tubig at generator.
Taong 1980 pa nang simulan ni Bruce ang proyektong ito na pwede ring magamit sa oras ng nuclear war.
Facebook Comments