SURVIVOR | 27 pulis na nakaligtas sa misencounter sa Samar, sumailalim sa psychosocial counselling

Samar – Isinailalim sa psychological counselling ng Philippine National Police (PNP) ang dalawampu’t pitong iba pang pulis na nakaligtas sa nangyaring ‘misencounter’ sa Sta. Rita, Samar noong Hunyo 25.

Ayon kay Police Regional Office 8 Spokesman Superintended Gerardo Avengoza, layon nitong matiyak na nasa ligtas at maayos na kaisipan ang mga nasabing pulis sa pagbalik nila sa serbisyo.

Bagaman at aminado si Avengoza na bumaba ang moral ng PNP region 8, tiniyak nito ang tulong pinansyal mula sa pamunuan ng PNP at kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Sabi pa ni Avengoza, nauunawaan niya ang sentimiyento ng mga pulis sa Region 8 kaya umaapela siya sa mga ito na huwag nang maglabas ng sama ng loob sa social media para hindi maka-impluwensya sa resulta ng imbestigasyon.

Pero giit ni Police Director Rolando Felix, pinuno ng binuong board of inquiry ng PNP, isinasapinal pa nila ang resulta ng imbestigasyon at ito ay kanila pang isasangguni sa kanilang counterpart sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Facebook Comments