Survivor ng Martial law, may mensahe sa mga millennial

Manila, Philippines – Hinimok ni Hilda Narciso, 72-anyos at isang survivor ng martial law ang mga millennial na maging mapagbantay at aralin ang Martial law upang hindi na nila maranasan ang lupit nito.
Si Narciso ay panauhing tagapagsalita sa isang forum ang isinagawa sa Bantayog ng mga Bayani auditorium para sa mga kabataan noong rehimeng Marcos at kabataan sa kasalukuyang panahon.

Napakaraming kwento na hindi kakayaning mailahad sa isang araw. Siya ay isang rape victim, nakulong ng anim na buwan, at nakaranas ng pangmamalupit.

Nakita rin niya ang kalupitang naranasan ng iba pang mga Pilipino sa kamay ng mga sundalo.


Hindi naman naiwasan ni Narciso na maihambing ang Marcos administration sa Duterte government.

Facebook Comments