Patuloy na inaalam ng AFP ang dahilan ng pagbagsak ng C-130 plane ng Philippine Air Force sa sulu na ikinasawi ng 53 katao.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana, binisita niya ang mga survivor ng plane crash at pinakinggan ang kanilang naging karanasan ilang sandali bago nangyari ang trahedya.
Batay sa kwento ng ilang nakaligtas, tatlong beses na nag-bounce ang eroplano at nag-“zig-zag” sa runway.
Sinubukan ng mga piloto na paliparin muli ang eroplano at tinangka ang second landing pero sumablay sila habang nasa ere hanggang sa tumama ang isa sa mga blade ng eroplano sa isang puno saka bumagsak at sumiklab.
May isa sa mga testigo naman ang nagkwento na tanging isa sa tatlong landing gears lamang ng C-130 ang nai-deploy nang sila ay nag-first landing.
Susuriin na rin ng mga imbestigador ang kondisyon ng runway, mga debris, at ang narekober na flight data recorder.