Susan Roces, tumangging mag-taping para sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit hindi pa sigurado kung kailan babalik sa ere ang ABS-CBN, naghahanda na ang mga artista at crew ng FPJ’s Ang Probinsyano sa muling pag-taping ng kanilang series.

Kasunod na rin ito ng pagsasailalim sa Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ).

Pero asahan na raw ang malaking pagbabago, tulad ng pansamantalang pagkawala ng karakter na ginagampanan ng veteran actress na si Susan Roces.


Batay sa mga report, sinabing magpapahinga muna ang karakter ni Ms. Susan dahil “nag-beg off” ito sa taping.

Pero may nagsabi na mas pinili raw ni Ms. Susan na huwag muna mag-taping bilang proteksyon sa sarili sa COVID-19.

Habang kasi wala pang nadidiskubreng vaccine para sa COVID-19, masyadong mapanganib para sa kagaya ni Ms. Susan na isang senior citizen.

Nabatid na sasailalim muna sa COVID-19 rapid testing ang lahat ng kasali sa taping ng teleserye sa ikalawang linggo ng Hunyo at kapag negatibo ang resulta ay saka mag-uumpisa ang taping.

Facebook Comments