Dinakip ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang wanted na miyembro ng big-time Chinese drug syndicate habang papatakas ito.
Kinilala ng BI ang 29-year-old na Chinese na si Hong Liangyi.
Si Hong ay hinuli sa NAIA Terminal 3 departure area habang pasakay ito ng flight patungong Tehran, Iran via Istanbul, Turkey.
Si Hong ay nasa hold departure list ng BI at may kinakaharap itong arrest warrant dahil sa illegal drugs cases na nakasampa sa mga korte sa Cavite at Batangas.
Una nang kinumpirma ng PDEA na si Hong ay konektado sa “Dragon Wu” syndicate na nasa likod ng pagtatayo shabu laboratories sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ang “Dragon Wu” ay sinasabing konektado sa “Golden Triangle” area na notoryus sa pagiging world’s foremost drug-producing region.