Suspected BigTime Pushers arestado, half million halaga ng shabu nakumpiska

Nasampahan na ng kaso ang dalawang tulak ng droga na nakumpiskahan ng higit kalahating milyong pisong halaga ng shabu matapos maaresto sa buy bust operation ng PDEA ARMM kasama ang City PNP at LGU sa Sinsuat Avenue, Cotabato City.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa sa mga suspek na sina Alton Sansawi Racman alias Ellie, driver, 27 years old, at Nashrolah Sambolawan Salipada, 33 years old, jobless, kapwa mga naninirahan sa Rosary Heights 7.

Matatandaang naaresto ang dalawa sa buy bust operation sa tapat lamang ng Manongs Fruity Fruits ng PDEA ARMM kasama ang Philippine Army, Cotabato City Police Office -Police Station 2 , Police Station 3, PIB-CCPO, City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), PIB-CCPO sa koordinasyon ng Cotabato City LGU, Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).


Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 75 grams ng shabu na may street value na P 510 ,000 . Sinasabing kabilang sa high value target ang mga suspeks ayon kay Ms. Jo, spokesperson ng PDEA ARMM sa panayam ng DXMY.

Patuloy naman ang pag- papaalala ni City Mayor Atty Frances Cynthia Guiani na magpapatuloy sila sa pagsuyod sa mga sangkot sa droga dahil walang puwang sa syudad ang mga nagbebenta at gumamit ng nito .

Pic: CM in Action FB Wall

Facebook Comments