Suspected Bomb Courier patay Shoot Out sa Cotabato City

26

Muling napigilan ang malagim na tangka ng pambobomba sa Cotabato City matapos maharang ng mga otoridad at mapatay ang isang lalaking sakay ng motorsiklo na lulan ng improvised explosive device sa shoot out laban sa mga operatiba sa Tamontaka 2 area pasado alas 9 kagabi.
Kinilala ang nasawing suspek na si Talib Datukali base na rin sa kanyang PhilHealth ID.
Sinasabing sakay ng Honda Motorcycle ang suspek ng maharang sa checkpoint sa vicinity ng east Diversion Road. Sa halip na pumara ay agad na nagpaputok ng kanyang cal. 45 pistol ang suspek resulta ng shoot out.
Naideklarang dead on arrival sa pagamutan ang suspek matapos magtamo ng multiple gunshot wound.
Nadiskubre sa UBox ng motorsiklo ng nasawing suspek ang IED.
Matatandaang noong bisperas ng bagong taon ay sumabog ang isang IED sa SouthSeas Mall na nagresulta sa pagkakaswi ng 2 indibidwal at pagkakasugat ng madaming iba pa.

Facebook Comments