Pumalo na sa 861 ang mga suspected cases ng COVID-19, 145 narekober COVID-19, habang 38 naman ang nasawi at 475 ang kabuuang kumpirmado tumaas ng 45 kumpara sa nakaraang 5 araw.
Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, inaasahan na nilang tataas pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 pagkatapos ng resulta ng isinasagawa nilang rapid test.
Paliwanag ng Alkalde ang mga suspected cases ay tuloy-tuloy ang pagtanggap ng food packs pero pinagbabawalang lumabas sa kanilang bahay maliban nalang ito ay emergency tungkol sa kanilang kalusugan.
Patuloy naman ang pagpapaalala ni Mayor Abalos sa publiko na manatili sa kanilang tahanan at patuloy na magmonitor sa lehitimong balita at iwasan na magpakalt ng mga fake news.
Facebook Comments