Suspected drug lord Lovely Impal, hindi na inobliga ng DOJ na manumpa ng personal sa kanyang counter affidavit

Manila, Philippines – Hindi na inobliga ni State Prosecutor Aristotle Reyes si suspected drug lord Lovely Impal na personal na manumpa sa kanyang counter affidavit sa Justice Department.

Sa halip, sa Iligan City Prosecutor’s Office na lamang panunumpaan ni Impal ang kanyang kontra-salaysay.

Si Impal ay nakakulong ngayon sa Iligan City Jail dahil sa hiwalay na drug case.


Tiniyak naman ni Prosecutor Reyes na hindi na aabutin ng animnapung araw at mailalabas na nila ang resolusyon sa kaso ng mga suspected drug lords.

Pinakahuling lumutang sa DOJ si suspected bigtime drug lord Peter Lim kung saan personal niyang pinanumpaan ang kanyang counter affidavit.

Sa September 12 muling ipagpapatuloy ang preliminary investigation sa nasabing drug case kung saan kabilang din sa mga akusado sina Kerwin Espinosa at Peter Co.

Facebook Comments