Suspected Drug Pusher Arestado sa Buluan, Maguindanao

45

Arestado ang isang pinaniniwalaang tulak droga sa Poblacion Buluan Maguindanao.
Ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad na kinabibilangan ng PDEA BARMM, 40 IB PA, MAGPPO at BULUAN MPS alas sais kaninang umaga.
Kinilala ang nahuling drug suspect na si IBRAHIM CACALDA PIDO Alias Joyjoy Pido na nakumpiskahan sa buybust ng isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance o shabu na nagtitimbang ng MOL 0.02 grams at my street value na Php 500.00. Habang a 10 pcs sachet ng shabu na tinatayang nasa MOL 5 grams at may street value na Php 34,000.00 at mga drug paraphernalia ang nakumpiska sa kanyang pag-iingat.
Section 5 at 11, Art.II, ng RA 9165 at RA 10591 ang kinakaharap na kaso ng nahuling drug suspect.
Kasalukuyang nasa jail facility na ito ng PDEA BARMM.

Facebook Comments