Manila, Philippines – Agad na isasailalim sa preliminary investigation ng Dept. of Justice sa Biyernes ang lalaking natimbog ng militar sa isang checkpoint Sulu.
Ang respondent na si Milham Saham ay sumailalim sa inquest proceeding kahapon sa DOJ sa kasong rebelyon at illegal possession of explosives.
Nabawi ng militar mula kay Saham ang ilang improvised explosive device o IED, isang litro ng ammonium nitrate, fuel oil, electric wires at cellphone.
Pansamantalang mananatili si Saham sa AFP Custodial center sa Camp Aguinaldo.
Facebook Comments