Suspected Pusher arestado sa DOS

Kalaboso sa jail facility ng PDEA ARMM ang suspected drug pusher matapos maaresto sa buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Datu Odin Sinsuat PNP, 19th IB at PDEA ARMM sa operasyon sa Lower Capiton DOS Maguindanao.
Kinilala ang nahuling suspect na si Datu Raffi na nakumpiskahan ng 3 sachet ng shabu na nagtitimbang ng 6.4 grams na nagkakahalaga ng 400 thousand pesos.
Nakumpiska rin sa pag iingat nito ang 2 caliber 45, 1 9mm Bereta at isang long firearm at mga bala.
Nahaharap na sa mga kaukulang kaso ang naarestongbsi Datu Raffi.

Facebook Comments