SUSPECTED RAPIST NA LOLO SA ECHAGUE, ISABELA, TIMBOG!

Naaresto ng puwersa ng PNP Echague ang suspek sa panggagahasa at itinuturing na 10th most wanted sa naturang bayan kaninang alas 5 ngayong hapon.

Nakilala ang 55 taong gulang na suspect na si Leo Ayson, may asawa at isang negosyante. Ayon sa ulat ng PNP Echague, inilabas ang warrant of arrest noong September 23 taong kasalukuyan ni Judge Bonifacio Ong ng RTC Branch 24 ng Echague, Isabela.

Nang matiyak at makompirma ng intelligence unit ng PNP Echague ang pagkakakilanlan at iba pang mahahalagang impormasyon ng suspek ay agad na nilang inihain ang arrest warrant sa bahay nito sa Brgy. Silluan Norte ng nabanggit na bayan.


Kasong rape at attempted rape ang kasong haharapin ng matandang suspek. Samantala, 120 libong piso kakailanganing piyansa para sa kasong attempted rape habang walang inirekomendang piyansa para sa kasong rape na isinampa kay Ayson.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng PNP Echague ang suspek para sa dokumentasyon bago siya maipapasakamay sa point of origin para harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.

Facebook Comments